SWERTE BA?

Ikaw ba ang taong tila kakambal ay malas? Yao’t ito sa kalye, walang makuhang trabaho. Kayod ng kayod, walang pera. Laging pinapalayas sa inuupahang bahay dahil walang pang-renta? Sana matulungan ka ng expert tips na ito mula kay Madam Rosa -este Madam Athena..

Wag pilosopo, totoo ito;

ANU-ANO ANG DAPAT IHANDA BAGO LUMIPAT NG BAHAY:

  1. BIBLE –UPANG MAGKAROON NG TAMANG ISIP TUNGO SA TAMANG DIREKSYON (Para hindi puro pocketbook ang pagkaabalahan mo)
  2. ASUKAL –UPANG MAGING MASAGANA ANG BUHAY AT MAGING HIGIT NA MATAMIS ANG PAGSASAMA NG BUONG PAMILYA (Para rin masarap magkape.. mahirap walang asukal sa bahay)
  3. LANGIS –PARA HINDI MAGING SAKITIN ANG MGA NAKATIRA DITO LALO NA ANG MGA BATA (technically, mahirap magprito kapag walang mantika, pangalawa, tama rin naming mag-baon ng efficascent oil para sa masakit na kasu-kasuan lalo na sa matatanda)
  4. ITLOG –HINIHIKAYAT NITO ANG PAGDAMI NG PERA (as in egg white hah, minsan kasi yung nakakabit agad nasa utak eh, minsan yun ang malas, gastos ba-)
  5. KENDI –UMAAKIT SA PAGKAKAROON NG MABUTING SAMAHAN (lalo kapag maraming bata sa bahay, close ang family kapag may kendi)
  6. PABANGO –PARA GAWING SAGRADO ANG SAMAHAN NG PAMILYA (mahirap din kasing magsama-sama kung isa sa pamilya, mabaho :D)
  7. LARAWAN NG MAGULANG –MAGDADALA NG MASAYA AT TAHIMIK NA PAGSASAMA SA BUONG PAMILYA (syempre, sila may-ari ng bahay sila walang picture?unfair yun..)
  8. BUKO –MAGKAKAROON NG SAPAT AT TAMANG HANAP-BUHAY (mahal ang buko sa panahon ngayon, at dahil mabigat, I suggest magdala na lang ng tumbler at bumili ng sabaw)
  9. UNAN –MAGIGING MAGAAN ANG PAGDADALA NG MGA SULIRANING DARATING (Oo, mas masarap matulog kesa mag-isip.)
  10. KUMOT –GAGABAY SA PAGTITIPID UPANG MAPAGKASYA ANG MAYROON (pwede kasing pagtaguan ng pera ang kumot, kahit nakalatag, o nakatupi)
  11. BIGAS –MAGDADALA AT MAG-AAKIT NG MASAGANANG PAMUMUHAY (syempre mahirap namang kalilipat mo lang ng bahay e wala ka kaagad isasaing)
  12. TUBIG –NANG-AAKIT NG MABILIS AT MALIKSING PAGKILOS (para di ma-dehyrate, simple!)
  13. MAGHANDA NG PANSIT, TINAPAY AT ICE CREAM NA KAKAININ MATAPOS MAGLIPAT AT IPASOK ANG MGA GAMIT (para naman susyal hindi yung juice at monay lang)
  14. BULAKLAK –MAGIGING HIGIT NA MALAPIT SA ISA’T ISA ANG BUONG PAMILYA AT MAY TUNAY NA PAGMAMAHALAN (ewan ko rin ha..pero budget conscious ako e… mamitas na lang sa bakuran ng iiwang kapit-bahay, para makatipid)
  15. BARYA –PARA HIGIT NA MAGING MATATAG ANG SARILI AT HIGIT NA GANAHAN ANG SWERTE NA PUMASOK SA IYONG BUHAY (tandaan, hindi mabubuo ang value ng buong pera kung walang barya)

PAANO MAGIGING MASWERTE AT PAANO ITO PANANATILIHIN SA IYONG BUHAY? 
1. GUMISING NANG MAAGA. BUKSAN ANG BINTANA AT HAYAANG PUMASOK ANG SINAG NG ARAW SA IYONG BAHAY (remember: early bird catches the worm, e hindi ka bird, so matulog ka hanggat gusto mo)

2. MAGDILIG NG HALAMAN TUWING UMAGA (kung ayaw mong mamatay halaman mo…mas better umaga ka magdilig)

3. PAKAININ NG SAPAT ANG MGA ALAGANG HAYOP (kung ayaw mong dagitin nila ang ulam mo)

4. IWASANG MAKINIG NG MGA PANGIT NA BALITA TUWING UMAGA PARA HINDI NEGATIBO AGAG MARINIG PAGKAGISING SA UMAGA (-manuod na lang)

5. MAGHANDA NG MASUSTANSYANG PAGKAIN ARAW-ARAW (para iwas doctor’s fee)

6. MALIGO PARA PRESKO PATI ISIP (tanggalin ang amoy ng kahapon, remember morning is a fresh start)

7. PANATILIHING PALAGING MALINIS ANG BUONG BAHAY PATI NA ANG BUONG BAKURAN (dapat lang kundi baka palayasin ka sa inyong barangay, o baka tirhan ng ahas ang makalat mong bahay, mahirap din kung may maligaw na unggoy, akalain pa jungle ang house mo)

8. MAGDASAL AGAD AT MAGPASALAMAT SA DIYOS PAGKAGISING UPANG MAGING MABUTI AT MAGAAN ANG BUONG ARAW (iwas bad vibes, magpa-thank you ka naman, mabuti nagising ka pa)

10. IWASAN ANG SUMIMANGOT AT MAGMUKANG GALIT (naman, mahirap para sa ibang tao ang makakita ng kinuyumos na papel sa pagmumuka mo lalo’t umpisa pa lang ng araw)

11. IPLANO ANG LAHAT NG GAGAWIN BAGO MAGSIMULA ANG ARAW MO (hindi ko ‘to ginagawa dahil madalas una ang facebook, pero tingin ko tama)

12. THINK POSITIVE KAHIT ANO PA ANG MANGYARI (wag nerbyosa, mahal ang gamot sa alta presyon, isa pa, maraming pwedeng masira sa work station mo kapag negative thinker ka, including work)

13. MATULOG NG MAAGA PARA MAGING PRODUCTIVE (pero kung hindi makatulog ng maaga, matulog ng gabi, pwede na yun)

14. MAGING MALINIS SA KATAWAN, MAGDAMIT NG MAAYOS AT AYUSIN ANG BUHOK (ang pangit lalo kapag single ka pa tapos baluga ka)

15. IWASAN ANG MANUOD AT MAGBASA NG MALASWANG BABASAHIN. MALAS ITO SA BUHAY (pero kung hindi maiwasan, bawasan na lang –yung tipong, kung dati daily, gawing 4times a week na lang…joke!… basta wag pahuli sa iba kasi ang pangit sa image… baka isipin ng Boss mo manyak ka, tanggalin ka pa sa trabaho)

I’m sure di mo napansin na walang #9, ako rin di ko napansin, kaya sorry :D. Nalimutan ko na yung #9 e, wag mu na lang isiping importante yun para di ka manghinayang.

For more tips on how to be lucky and fortunate in life, go to the nearest fortune teller in your area…

About these ads

11 comments on “SWERTE BA?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s