Bwisit na Pisceans…

Pare-pareho yata talaga ang mga characteristics ng pinanganak sa parehong zodiac signs….

Si EX: paasa, sinungaling, malambing, nakaka-in-love, magaling pumorma, gwapo, magaling kumuha ng tyempo, at napakalihim….

Si Next[pero hindi na matutuloy]: sinungaling, mapagpanggap, malambing, nakaka-in-love, magaling pumorma, gwapo, magaling kumuha ng tyempo, at napakalihim….nabuking ko after may nangyari kaya pala pag-gising namin nung umaga ni-hindi man lang ako kinausap kung ano na ba ang lagay ng relasyon namin…anyways kasalanan ko rin…nalasing lang ako bumigay na’ko…. Wala akong habol incase na nasapul nya’ko [syet]…ang anak ng tipaklong may kinakasama palang doktora, anong laban ko ron dba?… hindi ko rin naman alam kasi ang pakilala nya talaga sa’kin ay single s’ya at ang pamilya n’ya ay nasa Australia na lahat [aminado ako, yung status nya sa buhay ang dahilan kaya nagtiwala agad ako…] Hindi naman nya ako pinilit kusa kong binigay kinakabahan lang talaga ako. Kasi mukang wala na syang planong kumustahin man lang yung babaeng nakasama nya nung isang gabi. Alam ko mali yung ginawa ko. Ngayon lang nangyari na nagparaya ako sa taong hindi ko boyfriend at hindi ko pa rin gaanong kilala. Kargo ko lahat ng responsibilidad sa sarili ko pag nagkataon! @.@ Sobrang gulo lang talaga ng isip ko at hindi ko kayang hindi ilabas yung nararamdaman ko.  Nangyari nanaman kasi yung worry ko last September 2010, sana naman hindi pa mangyari ang kinatatakutan ko. Wala talaga akong kadala-dala, si EX nga binatang ama na talaga hindi ko pa matanggap na balikan. Ayoko kasi ng mga taong manggagamit! kahit anung mangyari ayokong balikan pa si [expected] next. Iaassume ko na lang na wala akong iniisip after ng kwento kong ‘to. Siguro naman magiging madali nang mag-isip ng paliwanag kung sakaling mangyari ang ipinagdadasal kong “sana hindi muna God”. Isa lang ang gusto kong makita sa susunod na lalaking pagtutuunan ko ng pansin. [pero baka matagalan na, sobrang natakot ako sa nangyari sa’king pagkakaloko ngayon huh!]

Ayokong malaspag ako ng basta-basta noh, tama na ung dalawang beses, yung next hindi ko na ibibigay sa Piscean……At hindi ko na ibibigay hangga’t hindi ako sigurado [mamatay man s’ya sa sakit ng puson!]

Syet talaga!Syet!

Salamat na lang sa isang kakilala, nalaman ko kaagad ang baho nitong si {expected} next! Atleast kapag nakausap ko s’ya hindi na ako mukang tanga na maniniwala pa rin sa kasinungalingan nya…. Pwede akong magtanga-tangahan pero never ng magpakabaliw noh….

galing sa facebook….

Ang sweet talaga nito, basahin mo…

Her: you know what kind of wedding I want?
Him: No, what kind?
Her: I’ve always dreamt of a wedding filled with elaborate elegance, a church filled with flowers and friends.
Him: That’s nice.
Her: Yeah, so what kind of wedding do you want?

Him: One that would make you my wife…

Sa’n kaya nakukuha ng mga lalaki ang katatamis na mga katagang ganyan… May asukal kaya sila sa utak?… O baka naman may writer… O kaya may attorney sa loob ng brain… Napapahanga ako e, san nga kaya?… Bakit ang galing nila mag-isip ng mga kacheezeehan?… e.e 😀 e.e
Hindi ‘to kabitteran -nagtatanong lang :D!

Si MR.RIGHT ba ay totoo?

Hindi ko naman itinatanggi, isa ako o sabihin na nating nangunguna ako sa listahan ng mga babae mas mahalaga pa rin ang kapal ng pitaka o tatag ng trabaho, sipag at tyaga, itsura at utak bilang katangian ng lalaking “kaibig-ibig”. Ngunit ang mga lalaking nabanggit ko ay bahagi lamang ng kathang isip ng karamihan. “Perpektong tao”, na kahit na si Ernie Baron ay hindi nakakilala, parte ng ilusyon at malaking “panaginip” kung may totoong tao ngang mayaman, matalino, gwapo at mabait!

Noong nasa hayskul ako, pangarap ko talagang si Mr.Right ang maging boypren ko. Lumipas ang mga taong unang taon ko na sa kolehiyo, hindi ko pa nakikita si Mr.Right, wala pa rin akong boypren. Isang taon pa ang matuling lumipas, nakilala ko si Sir Baduy, pangit lumakad, pangit pumorma, pangit ang diksyon, at hindi pang-instraktor [bastusin kug baga], apip-apihan sa klase kahit siya pa ang guro. Nakita ko sa kanya ang isang kapatid na kailangang ipagtanggol mula sa mas malalaking bata, isang tao na kailangan ng tengang makikinig at isang taong may hindi malinaw na direksyon ang buhay. Taong-simbahan pero hindi ko makita ang kabanalan, mahilig syang makinig ng musika, tumugtog at kumanta. Hindi ko maintanggi, nahulog ang loob ko kay Sir, alam ko bawal -estudyante ako, sya guro. Hindi ko pinalampas sa pagiging guro ang turing sa kanya at iba man ang pakikitungo nya sa akin bilang malapit na kaibigan o hinahangaang mag-aaral [matalino naman talaga kasi ako, idagdag pang interesado ako hindi lang sa itinuturo kundi pati na rin sa nagtuturo!] ay pinanatili naming guro-at-estudyante lang ang relasyon namin hanggang sa araw ng martsa ko. Sabado’t Linggo lang ang lumipas, nagkita kami at sinabi kong nahulog na ang loob ko sa kanya, ang saya ko, nakangiti sya, niyakap ako at sinabing “salamat” 😐 Matapos ang lahat ng tapat na pagsagot ko sa malalambing na tanong nya, “salamat” lang ang narinig ko! Para akong malamig na yelong binuhusan ng pinakuluang tubig, tunaw-na-tunaw at parang lulubog sa kinauupuan kong silya. Natapos ang nakakahiyang araw na iyon, inihatid nya ulit ako sa bahay kagaya ng dati, parang ayaw ko nang tumingin, hindi ko pwedeng palampasin na lang ang “salamat lang” na narinig ko. Martes, matamis pa rin syang makitungo, at gaya ng dati mas magaling pa rin ako sa kanya kung ituring nya. Ako pa rin ang gumawa ng modyul para sa bagong klase ng pasukan ng susunod na taon bilang umpisa ng trabaho ko sa paaralang pinatapusan [dati gusto ko na ring magtrabaho rito kasama sya, pero ang narinig kong pasa “salamat” ang humila sa aking huwag na lang!] Lumipas ang mga araw at tila ba ang yelong nabuhusan ng kumukulong tubig ay naging isang timbang tubig na lamang na patuloy sa pag-awas, hanggang wala nang natira sa akin kundi kahihiyan. Dalawang linggo ang lumipas at tuluyan na akong nawalan ng gana, ito ang unang pagkakataong nabigo ako sa pag-ibig, nalala ko si MR.RIGHT. Habang nag-iisa ako sa bahay, bumaba ako sa may puno ng bayabas at nagmuni-muni, nakita ko yung maya habang nanginginain ng maiitim na duhat sa puno. Hindi rin pala si Sir yung lalaking pangarap ko [hindi sya mapera, mahina utak nya, at hindi sya “knight in shining armor” [kumbaga] nasanay lang siguro ako na lagi nya akong kailangan kaya malungkot ako nung sumagot sya ng “salamat”! Hay, hapon na nang maisip kong umakyat sa bahay at magdikit ng apoy para magsaing, dumating na si nanay mula sa labahan at ang kapatid ko mula sa paliligo naroon na rin, hindi ko maintindihan ang ginawa ng maya sa isip ko na tila ba nagbago nang biglaan. Natanggap ko ang nangyari at sa pagdaan ng araw handa na akong muling hintayin si Mr.Right.

May trabaho na ako noon sa isang groseri, nagkita kami ng isang dating kaiskwela sa kolehiyo. Isang kakaibang araw iyon sa mol, gala lang sanam kami ng barkada pero nakita ko Black Widow nag-iisa, kumustahan hanggang isinama ko sya sa lakad ng barkada para sana ipakilala sa iba kong kaibigang babae. Takte, puso ko ang nabihag ng tamabay na ito! Sya na ba si Mr.Right, tinanong ko minsan ang sarili ko, sya na ba ang magiging unang boypren ko? Araw lang ang lumipas at sinubukan kong kalimutan si Mr.Right, masaya naman ang mga unang araw, linggo at buwan na kami ni Black Widow ay magboypren, matamis ang pakikitungo niya sa’kin pati g mga kaanak nya. “Sya na nga marahil”, sabi ko. Mag-iisang taon na ang aming relasyon nang hindi sya magpakita, naisip ko noon “mag-iisang taon ko na palang nakalimutan si Mr.Right?-ang lalaking una at huli kong dapat mahalin”. Abala siguro si Black Widow sa paghanap ng trabaho. Naghintay ako. Lumipas ang isang mabilis na buwan at ni-hay, ni-hoy -wala! Muli ko nanamang kinausap ang sarili ko, ginising ang isip ko upang ipaalala muli si Mr.Right sa puso ko. Alas otso ng gabi iyon, so dorm, madilim ang hagdan at nakatitig ako sa kumakaing aso sa dog barn ng may ari ng dormitoryo. Muli nanamang pumasok sa isip ko si Black Widow -ang tipo ng lalaking hindi ko dapat pinansin man lamang, tanging bait at tamis lang ang ugaling nakuha nya kay Mr.Right, wala syang pera, matalino sana, pero walang trabaho, gwapo pero di tamang pumorma at madalas nakakahiyang isama pero mahal ko kaya proud ako. Nang mga oras na ‘yon unang dumaloy ang luha sa mata ko, hindi dahil tinaggap kong nawala na sya kundi dahil alam ko na noong oras na yon na muli kong sinayang ang oras ko sa nagpapanggap na si Mr.Right! Lumipas ang araw at mga buwan nakilala ko sa pamamagitan ng teks si Iron Man -“knight in shining armor” ang dating, hindi gwapo pero lahat ng gusto ko binibigay, matamis makitungo, inilapit na kusa ang sarili nya sa pamilya ko,  perpektong lalaki para sa akin, mahal na mahal ako at sa loob ng anim na buwan ay hulog na hulog na ang loob ko. Minsan lang kaming magkita dahil sa Maynila ang trabaho nya at doon sya nakatira, ako naman sa probinsya at hindi mahilig lumuwas. Tuwing dey-op [isang araw sa bawat linggo -hindi pa kami parehong walang pasok] ay sinusulit nya ang apat na oras na kasama ako. Lagi kami sa arkeyd, paborito nyang manghuli ng tedi ber para ibigay sa’kin. Kaarawan ko noon, nag-“leave” ako dahil ipinaghanda nya ako noon sa bahay, dahil sa pagiging tapat nya nasira lang naman ang masaya kong kaarawan noon, nasabi nyang may nabuntis sya at sinabi nyang ipalaglag ang bata dahil aalukin nya ako ng kasal sa kaarawan ko! Hindi ko tinanggap ang alok, bagkus pinakiusapan ko syang maghintay at hindi ako magbabago, pinilit kong tanggapin ang mga narining ko. Ang tila “knight in shining armor” ko ay isang black villain sa ibang babae at sa dapat sanay anak nya? Dahil na rin sa pagmamahal na alam kong totoong nararamdaman namin ay nakalimutan ko ang tungkol sa batang dapat sanay nabubuhay na sa sinapupunan ng kanyang ina nang mga panahong yon. Nalibang ako hanggang sa dumating ang pasko, nangako syang darating at sa amin sasalo sa noche buena, 10:00 ng gabi wala pa sya para sunduin ako nakatanggap ako ng tawag mula sa kanya, ang magulang nya umuwi galing probinsya, kelangang manatili sya sa Maynila para magdiwang ng Pasko’t Bagong taon kasama sila. Naunawaan ko. Naghintay ako! Enero bente uno, isang masaklap na balita mula sa hipag nya ang natanggap ko: “Layuan mo na si Iron Man, gago ang lalaking minahal mo! Buntis ang kapatid ko at hindi ko hahayaang hindi nya panagutan!”……[nagblangko ang isip ko]. Kinabukasan tinawagan ko si Iron Man, para kumustahin at sa isang bahagi’y magimbestiga, napaamin ko sya at narinig na umiiyak sa kabilang linya, putol-putol ang boses nya sa paghikbi, hiniling na muli kaming magkita, mag-usap at magpapaliwanag sya, tatakas sya at ilalayo ako upang kami ang magsama. Isang masaklap san senaryo iyon ng pag-ibig para sa akin. Tuluyan na syang nagapi ng masama nyang katangian. Umiiyak akong nagbaba ng telepono. “Kaibigan” ang pinakahuling relasyon na maari kong maging ugnayan sa taong pinakamamahal ko! Hindi pa rin sya si Mr.Right?! Taon ang lumipas at hinihintay ko pa rin si Mr.Right, isang lalaki ang nagturo sa akin na hindi totoo si Mr.Right. Gusto ko pa rin syang hintayin pero ang tagal na. Dumaan na ako sa maraming MALI. Isang beses na rin akong naisahan! Siguro nga SUGAL ANG PAG-IBIG.

Ibabahagi ko lang: we may love the wrong person and cry for the wrong reason but no matter how things go wrong, one thing is sure -“Mistakes help us find the right person for a good reason”

Minsan ang pag-ibig dumarating na akala mo tama ang tayming, pero mali pala yung tao. O minsan akala mo yung tao ang mali at oras ang tama. Pero tandaan mo, isa lang ang paraan para malaman mong nagkamali ka –KUNG HINDI KA MASAYA! 😦

So dre, sis, good luck sa love-life, suko na’ko!

KALSADA

Sabi sa 100 Days to Heaven ng tatay ni Sofia kagabi: “Lahat ng tao, mayaman, mahirap… Ang gusto lang – Halaga sa sarili“. Marahil ang pagnanais ng tao sa buhay ay yung self-worth nga kaya nageexist yung mga taong ibigay ang lahat maging importante lang sila.

Sa Trabaho: 

Sisiraan ang iba para mapromote.

Sa Pamilya:

Sisiraan ang kapatid sa magulang para mas malaki ang mana nya.

Sa Kaibigan:

Sisiraan ang isa’t isa para makarami sya.

Sa Pag-ibig:

Sisiraan ang kaibigan maging akin ka lang.

Mga bagay na kahit sino kapag sa’yo ginawa e tatas ang presyon mo to the point na kahit dignidad mo handa mong itago sa bulsa makaganti ka lang! 😀

Self-worth: maibibigay mo ito sa sarili mo sa pamamagitan ng pinagsamang identity at personality mga sangkap ng tao na pagkasilang at habang tumatanda ay nabubuo at nasisira! “Make or break” and nagagawa ng pagkakamali sa ating identity at personality. Ang tao nang tayo’y isinilang ay ang ating identity [maaring mayaman, maganda, may ba’lat sa pwet, nunal sa balikat, pango  at iyakin, yan ang simpleng identity]. And personality naman ay ang taong ginawa ng mga taong humubog sa atin, at ang pagkataong ginaganapan nating hanggang sa oras ng ating libing [maaring naging isang modista, tanyag, mayaman, mabait, puno ng pag-ibig at walang lugar sa mundo ng galit –yan ang pinakamagandang personality].

Para sa akin ang buhay ay isang paglalakbay, mga kakaibang daanan, mga sorpresang lagusan at mabangong kalikasan -tanda na ang buhay ay makulay. “Twists and turns”, “Ups and Downs”, mga bagay na hindi natin napaghahandaan kaya tayo nasasaktan at nasusugatan. Higit sa anu pa man, sino pa man at kailanman -“Ang ating sarili higit kaninuman ang dapat na may mas na halaga“. Paano mo makikita ang iyong sariling nagpapahalaga sa iba kung ikaw mismo, hindi mo kayang ipakita sa kanila na importante ka?

Pakinggan mo ‘to 🙂 saka mo sabihin sa sarili mong may magagawa ka pa bilang simpleng ikaw “it’s not about theprice tag nor about your status”…

Word of the day: POETIC INSTINCT!

Hindi ko maintindihan kung matutuwa ba ako sa pagsusulat ko o maiinis na. Minsan kasi kahit sa kalagitnaan ng paggawa ko ng guide report biglang papasok yung idea na para bang kulangot na kapag hindi ko pinakialaman sa ilong ko e hindi ako matatahimik. Madalas, kung kelan ako nasa cr o nasa labahan, naghuhugas ng plato o simpleng nanonood ng tv saka biglang papasok yung interesanteng idea. Kagaya na lang ngayon, alas nueve ang pasok ko, naitatak ko na sa utak ko na magpoforward ako ng mga request for contracted rates for Korean summer e mukang mawawala ako sa mood dahil todo nanaman ang “poetic instinct” ko, lumelevel-up talaga ang facebook account ko sa dami ng likes isang oras pa lang sampung iba’t ibang matatalinghagang status na agad ang naitype ng kamay ko. Marami pa sanang iba kaso kinokontrol ko kasi nagpaflood na daw ang homewall ng mga kaibigan ko.

Ang mga “fb status” ko at “bakit”:
Kapag nagawa mong isuko ang lahat para sa isang tao
-malamang mahal mo!
At kung nagagalit ka dahil tinatangka syang agawin ng iba
-normal yan!
Pero kung isuko mo sya kasi pagod kana,
-katangahan yan!
Sayang ng mga sinantabi mo
-sa bandang huli pala ipamimigay mo lang sya!
Bakit:
NAIINIS KASI AKO SA DALAWANG FB FRIEND KO, MAG-ASAWA SILA, SWEET SI BABAE AT SWEET DIN SI LALAKE (ANG PROBLEMA KAHIT KANINO SWEET SYA, AT MUKANG KAMI LANG NA PERSONAL NYANG KAKILALA ANG NAKAKAKITA NG RELATIONSHIP STATUS NYA). MARAMING UMAALIGID KAY LALAKI AT KUNG AKO ANG ASAWA *NAKNAMPUSANGGALA, MAG-IINIT ANG ULO KO SA SAYAD-SA-LUPANG KALANDIAN NG ASAWA KO NA KITANG-KITA SA WALL NYA’NO!
SINULAT KO YUNG STATUS BILANG SUPORTA KAY JANICE AT BATIKOS KAY ADRIAN.
*
Know why people love picture?
.
Because picture keeps unchanged memories even people in it does!
Bakit:
TUNGKOL SA BORDMATE KO, SWEET AKO SA KAIBIGAN PERO PAG NEGLECTED AKO, NAGBABAGO TALAGA ANG PAKISAMA KO. PARANG PICTURE, HANGGANG TITIGAN NA LANG NYA ANG NAKARAANG AKO KASI BINAGO NG PAKIKITUNGO NYA ANG KASALUKUYANG UGALI KO!
KASO DI KO ATA NATAMAAN, DI NAGREREACT ANG BABAENG ITO 
*
Been into horoscope today,
run through why I was unhappy,
found I was holding back the past,
tried to argue with myself,
and found out I was just hiding what’s inside :((
Bakit:
TOTOONG NA-OPEN KO YUNG DAILY HOROSCOPE KO, HINDI KO NA KASI PINAPANSIN YUN MULA NUNG NAWALAN AKO NG GANA MAKIPAGRELASYON AT NAKUNTENTO NA’KO SA TRABAHO. NABASA KO NA HINDI RAW AKO MASAYA, DENY-TO-DEATH AKO, “MASAYA AKO NOH! MALI ‘TO MALI!” PERO PAG-OPEN KO NG FB, MAY INR NANAMAN SA FRIENDS KO, 😦 –BAKIT AKO WALA PA DIN?
*
Relationships are like SHOES,
one that’s too small hurts,
one that’s too large is awkward,
and one that fits is comfort!
Bakit:
TAPOS NAKITA KO YUNG WORD NA “SHOES”, PUMASOK SA ISIP KO YUNG ENGLISH JOKE TUNGKOL SA SAPATOS NA “BOY: IS IT IN?… GIRL: HELL. YEAH!..AW…BOY: DOES IT HURT? …GIRL: YES, BUT IT’S BEAUTIFUL.AWWW…. BOY: NO, HON, YOU NEED ANOTHER BIGGER SIZE OF THIS SHOES….”
KALA MO GREEN?…HAHAHA..PINAGANDA KO LANG YUNG SCRIPTURE….
*
Friends are like GEMS,
.
.
.
Many are the STONES,
.
.
.
Few are DIAMONDS!
Bakit:
NAALALA KO NANAMAN SI BORDMATE SA SINULAT KO NUNG SABADO TUNGOL SA HINDI KAGANDAHAN KONG UMAGA HINDI KO PA RIN NAKAKALIMUTAN ANO!
*
Patience is the right attitude while waiting!
Bakit:
HINDI KO LANG INAAMIN PERO HINIHINTAY KO RIN NAMANG MAINLOVE AKO’NOH?!…KASO DAHIL ATA TATLONG BESES NA’KONG NAKAPILI NG MALI NAGING SOBRANG SIGURISTA KO TO THE POINT NA ANG KALIIT-LIITANG DETALYE SA BUHAY NG MGA TAONG MAY INTERES SA AKIN E INTERES KO RING HALUNGKATIN, ALAMIN. “DEPRIVING ONES PRIVACY IS WRONG”, PERO PARA SA AKIN, MAS MABUTING MAWALAN NA AKO NG GANA SA ISANG TAO BAGO PA MAPALAPIT NG TULUYAN ANG LOOB KO KESA NAMAN SUPER GIVEN NA ANG LAHAT-LAHAT TAPOS MAY ISANG MALAKING MISTERYONG MAGPAPAGUHO PALA NG MUNDO KONG UMIIKOT NA SA KANYA. KUHA N’YO?
AT HABANG NAGHIHINTAY AKO “PATIENCE” ANG TAWAG KO SA PAGSASAGAWA NG SARILI KONG IMBESTIGASYON SA MGA TAONG YUN NGAMAY INTERES SA’KIN. NANINIWALA KASI AKO NA HINDI LAHAT NG SINGLE, AVAILABLE!
*
Ang paghahangad ng labis ay parang pag-abot ng bitwin sa langit!
.
Hindi mo na nga alam kung alin talaga ang gusto mo,
hindi mo pa rin alam kung panu aabutin ito!
.
🙂 inspired
Bakit:
AMBISYOSA MAPANGARAPIN AKO, PERO DI GAYA NG IBA, HINDI AKO NAKAHANDANG ISAKRIPISYO ANG LAHAT MAKUHA LANG ANG GUSTO KO! MAHALAGA PA RIN SA’KIN ANG IISIPIN NG IBANG TAO, PAMILYA KO AT ANG MGA TAONG AYOKONG TAPAKAN SA PAGHAKBANG KO TUNGO SA KAUNLARAN [PARANG EKONOMIYA LANG :D]
*
MAGULANG
.
.
.
term sa mga taong masyadong mautak
.
.
.
pero para sa’kin ang term na yan —“Hindi ko kayang pabayaan!”

Bakit:

WALA LANG NAMIMISS KO LANG -TATAY AT NANAY KO!

*
Ang lovelife parang papel na ginagamit sa origami
.
.
.
kapag tapos kana sa pagtitiklop
.
.
.
hindi mo na maibabalik ung dating porma
.
.
.
parang puso, kapag nasugatan na habambuhay peklat na!….
Bakit:
TUNGKOL ULIT SA SARILI KO. PARA SA’KIN KASI ANG EX AY MALI KAHIT KELAN DI PWEDENG MAGING CHECK, BAKIT KITA BABALIKAN KUNG AKO’Y MASASAKTAN LANG?…SI-NET KO ANG STATUS KO NG GANYAN KASI ANG KULIT NI EX PATI ATE ATA NYA GUSTONG MAGKABALIKAN KAMI… 😀
*
Ang taong hindi ngumingiti
.
.
.
.
.
.
.
baka bungi?
Bakit:
WALA ITO, JOKE LANG!…NAPULOT KO SA RADYO, TAWA NAMAN NG TAWA MGA FRIENDS KO. PERO KAPAG GALIT ANG ISANG TAO, AKALA MO BUNGI, HINDI MAN LANG MAKANGITI!
*
Hindi ko naman talaga kelangang malaman yung dahilan kung bakit ako masaya…Sapat na sigurong nadadagdagan ang oras ko sa mundong nakangiti at masaya kahit misteryo pa ang dahilan ng pag-gising ko sa bawat umaga!
Bakit:
ANG TAWAG KO RITO, GAMOT-INGGIT! HABANG PURO INR ANG RELATIONSHIP STATUS NG MGA FRIENDS KO AT AKO E NAKAKAHIYANG IPAKITA [SINGLE PA RIN KASI] YAN NA LANG ANG PAMPALUBAG-LOOB KO 😀
ANG KATWIRAN KO SA BUHAY. “ATLEAST KAHIT SOLO WALANG SAKIT NG ULO!”

♦ 😀 ♣  ♥

Hindi kagandahan ang umaga ito!

Dahil personal naman ang blog ko at natitiyak kong walang personal kong kakilala ang makakabasa ng akda sa pahinang ito mas minabuti kong isulat ang mga sama ng loob ko kesa sumigaw, magwala at magpakasira sa harap ng mga taong nagpapataas ng presyon ng dugo ko!

Sa tanong ng NESCAFE na “Para kanino ka bumabangon?” Wala akong maisasagot dyan kundi “para sa sarili ko!” E yun naman talaga yung alam ko e. Baguhin natin ang tanong, “ano ang sumisira ng gising mo?” Yan, dyan marami akong isasagot! Una, ang tyan ko: alas singko pa lang ng umaga kung makapang-gising akala mo sobra-sobra yung kinain ko nang hapunan. Ikalawa, ang Bordmate ko na agang-aga’t pikit pa pati ang mata ng kaluluwa ko e may kadaldalan na sa telepono, ang nakakainit lang naman ng ulo e yung topic nila –love life! Ang landi di ba? Ikatlo, bumangon na ako ng alas sais para pagbigyan ang aking nananakit na tyan, bababa na ako sa cr pero naalala kong naiwan ko sa baba ang tuwalya ko, hay! (grrrrr! Sobrang limot ko na talaga!) Ikaapat, hindi ako nakakapagrealize ng mga bagay-bagay ng tahimik kaya nasabi ko ng malakas sa sarili ko “Ay, naiwan ko pala yung twalya ko sa baba kagabi…Andun yun sa cr!” At sumagot si Bordmate : “Ay, oo Neng nakita ko nga yun kaninang five nung bumaba ako para umihi!” Nainsulto ako kasi mula nang magising ang espiritu ko mainit na talaga ang ulo ko sa kanya, alam kong hindi dalang-regla ang init ng ulo ko, may dahilan talaga ako. Sumagot ako : “Lagi ka nang ganyan! Nakita, nakita mo lang naman….*sa isip ko “alam nang akin hindi man lang iniakyat dito!” (Lagi kasi akong nakakaiwan ng gamit sa baba ng kwarto namin pero wala talaga syang pakialam na iakyat man lang o ipamuka sa’kin na may sakit ako sa kalimot) At sumagot pa sya: “Ay tange ngayon, wala na!” Naknang pating lalo pang ginatungan ang masama kong gising! Bumaba na ako para irelax ang sarili ko at ilabas ang sama ng tyan ko, este loob ko pala! Ikalima, pag-akyat ko galing sa banyo, fresh at bagong ligo. Nagbihis at nag-init ako ng tubig para sana magkape, anak ng tinapang maalat naman oh, “bakit may hugasin agad ako e hindi pa ako kumakain?” Wala na akong pwedeng tanungin kasi nakaalis na si Bordmate, umuwi ng probinsya ang bilis nga nya e trenta minutos bihis na at nakaalis na, siguro nahalata nyang mainit ang ulo ko sa kanya! Wala naman akong magagawa kundi hugasan ung iniwan nya, relax na ako at mag-isa kaya at peace na ang puso’t isip ko! Ikaanim, papasok ako sa opisina para i-book ang kwartong tinulugan ng guest ko kagabi para hindi magmulta ang tour guide ko, “nawawala yung susi ng office ko!” *nanaman! Hay, bakit ba ako ganito!? Hanap ako ng hanap hanggang sa masaktan yung hintuturo ko na nung isang araw lang ay minalas na mapadugo ng in-can na mango juice (aray!) Napapasigaw ako kapag nasasaktan pero wala namang may kasalanan, katangahan ko rin naman! Ikapito, papasok na ako ng opisina dala ang susi, pakapa-kapa ako sa puwitan ng suot kong tokong [konting oras lang ako sa opisina kaya nakapambahay lang ako, ako lang din naman ang tao kaya ayos lang kung di ako presentable, atleast maganda pa rin!] Ang malala paliko na ako sa kanto nang maramdaman kong butas nga ang puwitan ng tokong ko. Hay! Malas, lumakad ako pabalik sa bahay, tinahi ko ang tokong at umalis ulit. Ikawalo, sa opisina alas onse, habang sinusulat ko ang blog na ito (walang rough draft ha!) Nawalan ba naman ng kuryente! Grrrr! “Ulitin mo isa-isa” parang nang-iinsulto naman ang Meralco oh!

Anyway, wala namang major-major na problema ngayong araw. Maliban sa gumising ako nang mainit ang ulo at ipaglalaba ko ang injured kong hintuturo e siguro kaya kong pasayahin ang araw ko!

Ang ikasyam pala, nawawala ang payong ko! Lechugas naman oh, ang init sa labas tapos wala akong dalang payong!

Gusto ko pa sanang magkwento pero uuwi na’ko! Basta ang alam ko, hindi kagandahang umaga ito!

🙂