Si MR.RIGHT ba ay totoo?

Hindi ko naman itinatanggi, isa ako o sabihin na nating nangunguna ako sa listahan ng mga babae mas mahalaga pa rin ang kapal ng pitaka o tatag ng trabaho, sipag at tyaga, itsura at utak bilang katangian ng lalaking “kaibig-ibig”. Ngunit ang mga lalaking nabanggit ko ay bahagi lamang ng kathang isip ng karamihan. “Perpektong tao”, na kahit na si Ernie Baron ay hindi nakakilala, parte ng ilusyon at malaking “panaginip” kung may totoong tao ngang mayaman, matalino, gwapo at mabait!

Noong nasa hayskul ako, pangarap ko talagang si Mr.Right ang maging boypren ko. Lumipas ang mga taong unang taon ko na sa kolehiyo, hindi ko pa nakikita si Mr.Right, wala pa rin akong boypren. Isang taon pa ang matuling lumipas, nakilala ko si Sir Baduy, pangit lumakad, pangit pumorma, pangit ang diksyon, at hindi pang-instraktor [bastusin kug baga], apip-apihan sa klase kahit siya pa ang guro. Nakita ko sa kanya ang isang kapatid na kailangang ipagtanggol mula sa mas malalaking bata, isang tao na kailangan ng tengang makikinig at isang taong may hindi malinaw na direksyon ang buhay. Taong-simbahan pero hindi ko makita ang kabanalan, mahilig syang makinig ng musika, tumugtog at kumanta. Hindi ko maintanggi, nahulog ang loob ko kay Sir, alam ko bawal -estudyante ako, sya guro. Hindi ko pinalampas sa pagiging guro ang turing sa kanya at iba man ang pakikitungo nya sa akin bilang malapit na kaibigan o hinahangaang mag-aaral [matalino naman talaga kasi ako, idagdag pang interesado ako hindi lang sa itinuturo kundi pati na rin sa nagtuturo!] ay pinanatili naming guro-at-estudyante lang ang relasyon namin hanggang sa araw ng martsa ko. Sabado’t Linggo lang ang lumipas, nagkita kami at sinabi kong nahulog na ang loob ko sa kanya, ang saya ko, nakangiti sya, niyakap ako at sinabing “salamat” 😐 Matapos ang lahat ng tapat na pagsagot ko sa malalambing na tanong nya, “salamat” lang ang narinig ko! Para akong malamig na yelong binuhusan ng pinakuluang tubig, tunaw-na-tunaw at parang lulubog sa kinauupuan kong silya. Natapos ang nakakahiyang araw na iyon, inihatid nya ulit ako sa bahay kagaya ng dati, parang ayaw ko nang tumingin, hindi ko pwedeng palampasin na lang ang “salamat lang” na narinig ko. Martes, matamis pa rin syang makitungo, at gaya ng dati mas magaling pa rin ako sa kanya kung ituring nya. Ako pa rin ang gumawa ng modyul para sa bagong klase ng pasukan ng susunod na taon bilang umpisa ng trabaho ko sa paaralang pinatapusan [dati gusto ko na ring magtrabaho rito kasama sya, pero ang narinig kong pasa “salamat” ang humila sa aking huwag na lang!] Lumipas ang mga araw at tila ba ang yelong nabuhusan ng kumukulong tubig ay naging isang timbang tubig na lamang na patuloy sa pag-awas, hanggang wala nang natira sa akin kundi kahihiyan. Dalawang linggo ang lumipas at tuluyan na akong nawalan ng gana, ito ang unang pagkakataong nabigo ako sa pag-ibig, nalala ko si MR.RIGHT. Habang nag-iisa ako sa bahay, bumaba ako sa may puno ng bayabas at nagmuni-muni, nakita ko yung maya habang nanginginain ng maiitim na duhat sa puno. Hindi rin pala si Sir yung lalaking pangarap ko [hindi sya mapera, mahina utak nya, at hindi sya “knight in shining armor” [kumbaga] nasanay lang siguro ako na lagi nya akong kailangan kaya malungkot ako nung sumagot sya ng “salamat”! Hay, hapon na nang maisip kong umakyat sa bahay at magdikit ng apoy para magsaing, dumating na si nanay mula sa labahan at ang kapatid ko mula sa paliligo naroon na rin, hindi ko maintindihan ang ginawa ng maya sa isip ko na tila ba nagbago nang biglaan. Natanggap ko ang nangyari at sa pagdaan ng araw handa na akong muling hintayin si Mr.Right.

May trabaho na ako noon sa isang groseri, nagkita kami ng isang dating kaiskwela sa kolehiyo. Isang kakaibang araw iyon sa mol, gala lang sanam kami ng barkada pero nakita ko Black Widow nag-iisa, kumustahan hanggang isinama ko sya sa lakad ng barkada para sana ipakilala sa iba kong kaibigang babae. Takte, puso ko ang nabihag ng tamabay na ito! Sya na ba si Mr.Right, tinanong ko minsan ang sarili ko, sya na ba ang magiging unang boypren ko? Araw lang ang lumipas at sinubukan kong kalimutan si Mr.Right, masaya naman ang mga unang araw, linggo at buwan na kami ni Black Widow ay magboypren, matamis ang pakikitungo niya sa’kin pati g mga kaanak nya. “Sya na nga marahil”, sabi ko. Mag-iisang taon na ang aming relasyon nang hindi sya magpakita, naisip ko noon “mag-iisang taon ko na palang nakalimutan si Mr.Right?-ang lalaking una at huli kong dapat mahalin”. Abala siguro si Black Widow sa paghanap ng trabaho. Naghintay ako. Lumipas ang isang mabilis na buwan at ni-hay, ni-hoy -wala! Muli ko nanamang kinausap ang sarili ko, ginising ang isip ko upang ipaalala muli si Mr.Right sa puso ko. Alas otso ng gabi iyon, so dorm, madilim ang hagdan at nakatitig ako sa kumakaing aso sa dog barn ng may ari ng dormitoryo. Muli nanamang pumasok sa isip ko si Black Widow -ang tipo ng lalaking hindi ko dapat pinansin man lamang, tanging bait at tamis lang ang ugaling nakuha nya kay Mr.Right, wala syang pera, matalino sana, pero walang trabaho, gwapo pero di tamang pumorma at madalas nakakahiyang isama pero mahal ko kaya proud ako. Nang mga oras na ‘yon unang dumaloy ang luha sa mata ko, hindi dahil tinaggap kong nawala na sya kundi dahil alam ko na noong oras na yon na muli kong sinayang ang oras ko sa nagpapanggap na si Mr.Right! Lumipas ang araw at mga buwan nakilala ko sa pamamagitan ng teks si Iron Man -“knight in shining armor” ang dating, hindi gwapo pero lahat ng gusto ko binibigay, matamis makitungo, inilapit na kusa ang sarili nya sa pamilya ko,  perpektong lalaki para sa akin, mahal na mahal ako at sa loob ng anim na buwan ay hulog na hulog na ang loob ko. Minsan lang kaming magkita dahil sa Maynila ang trabaho nya at doon sya nakatira, ako naman sa probinsya at hindi mahilig lumuwas. Tuwing dey-op [isang araw sa bawat linggo -hindi pa kami parehong walang pasok] ay sinusulit nya ang apat na oras na kasama ako. Lagi kami sa arkeyd, paborito nyang manghuli ng tedi ber para ibigay sa’kin. Kaarawan ko noon, nag-“leave” ako dahil ipinaghanda nya ako noon sa bahay, dahil sa pagiging tapat nya nasira lang naman ang masaya kong kaarawan noon, nasabi nyang may nabuntis sya at sinabi nyang ipalaglag ang bata dahil aalukin nya ako ng kasal sa kaarawan ko! Hindi ko tinanggap ang alok, bagkus pinakiusapan ko syang maghintay at hindi ako magbabago, pinilit kong tanggapin ang mga narining ko. Ang tila “knight in shining armor” ko ay isang black villain sa ibang babae at sa dapat sanay anak nya? Dahil na rin sa pagmamahal na alam kong totoong nararamdaman namin ay nakalimutan ko ang tungkol sa batang dapat sanay nabubuhay na sa sinapupunan ng kanyang ina nang mga panahong yon. Nalibang ako hanggang sa dumating ang pasko, nangako syang darating at sa amin sasalo sa noche buena, 10:00 ng gabi wala pa sya para sunduin ako nakatanggap ako ng tawag mula sa kanya, ang magulang nya umuwi galing probinsya, kelangang manatili sya sa Maynila para magdiwang ng Pasko’t Bagong taon kasama sila. Naunawaan ko. Naghintay ako! Enero bente uno, isang masaklap na balita mula sa hipag nya ang natanggap ko: “Layuan mo na si Iron Man, gago ang lalaking minahal mo! Buntis ang kapatid ko at hindi ko hahayaang hindi nya panagutan!”……[nagblangko ang isip ko]. Kinabukasan tinawagan ko si Iron Man, para kumustahin at sa isang bahagi’y magimbestiga, napaamin ko sya at narinig na umiiyak sa kabilang linya, putol-putol ang boses nya sa paghikbi, hiniling na muli kaming magkita, mag-usap at magpapaliwanag sya, tatakas sya at ilalayo ako upang kami ang magsama. Isang masaklap san senaryo iyon ng pag-ibig para sa akin. Tuluyan na syang nagapi ng masama nyang katangian. Umiiyak akong nagbaba ng telepono. “Kaibigan” ang pinakahuling relasyon na maari kong maging ugnayan sa taong pinakamamahal ko! Hindi pa rin sya si Mr.Right?! Taon ang lumipas at hinihintay ko pa rin si Mr.Right, isang lalaki ang nagturo sa akin na hindi totoo si Mr.Right. Gusto ko pa rin syang hintayin pero ang tagal na. Dumaan na ako sa maraming MALI. Isang beses na rin akong naisahan! Siguro nga SUGAL ANG PAG-IBIG.

Ibabahagi ko lang: we may love the wrong person and cry for the wrong reason but no matter how things go wrong, one thing is sure -“Mistakes help us find the right person for a good reason”

Minsan ang pag-ibig dumarating na akala mo tama ang tayming, pero mali pala yung tao. O minsan akala mo yung tao ang mali at oras ang tama. Pero tandaan mo, isa lang ang paraan para malaman mong nagkamali ka –KUNG HINDI KA MASAYA! 😦

So dre, sis, good luck sa love-life, suko na’ko!

7 comments on “Si MR.RIGHT ba ay totoo?

  1. Pingback: Ang buhay ay isang malaking Quiapo… « smilelikeyouwereneverhurt

Mag-iwan ng puna